Mula noong gabing nagtanong siya sa ilalim ng mga bituin, parang nagbago ang takbo ng mundo ko. Mas maliwanag ang sikat ng araw tuwing umaga, mas magaan ang bawat hakbang ko, at sa tuwing titingin ako sa singsing na nasa daliri ko, kusang lumalabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi na kami naghahanap ng katotohanan, hindi na kami tumatakbo sa panganib. Ngayon, ang tanging inaalala na lang namin ay kung paano bubuuin ang buhay na pangmatagalan naming pagsasamahan.Tuwing gigising ako, siya agad ang unang nakikita ko. Madalas ay nakaupo na siya sa gilid ng bintana, tinitingnan ang malawak na lupain habang nag-iisip ng mga plano para sa mga darating na araw. Pero sa sandaling lumingon siya sa akin, nawawala ang lahat ng seryosong ekspresyon sa mukha niya at napapalitan ng ngiti para lang sa akin. Ang ngiting nagpaparamdam sa akin na ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.Isang hapon, habang naglalakad kami sa tabi ng ilog na hindi kalayuan sa bahay, bigla akong hinawak
Read more