Bumagsak ang pinto na tila hinati ng kidlat. Lumubog sa katahimikan ang buong bahay, tanging ang mabilis naming paghinga at ang lagaslas ng apoy na kumakalat sa di-kalayuan ang naririnig. Sa siwang ng pinto, sa likod ng makapal na anino, lumitaw ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng kupas na itim na barong, puno ng kulubot ang mukha na tila hinubog ng galit sa loob ng mahabang panahon. Ang kanyang mga mata—mga matang katulad na katulad ng kay Manuel, ng lolo ni Xavier—ay nagliliyab sa poot.Si Dante. Sa wakas, nagpakita na siya.Kasunod niya ang tatlong lalaking may hawak na baril. Pumasok sila at agad na pinalibutan kami. Walang labasan. Sa kaliwa’t kanan, sa likuran, at sa harapan—puro sila. Si Xavier ay tumayo sa aking harapan, itinatago ako sa kanyang likuran, habang mahigpit na hawak ang lumang libro ng talaan. Ang tanging patunay na natitira sa buong mundo.“Huwag kayong lumapit!” banta ni Xavier, bagaman nanginginig ang kanyang boses, hindi sa takot kundi sa galit at mat
Read more