Hindi kami nakatulog nang maayos noong gabing iyon.Kahit nakayakap ako kay Xavier, kahit naririnig ko ang tibok ng puso niya, hindi mawawala sa isip ko ang huling sinabi ni Rafael. Ang paraan ng pagtingin niya, ang galit sa boses niya, at ang puting panyong inilamayway niya bago umalis—lahat iyon ay parang babala na hindi pa tapos ang gulo. At sa pagkakataong ito, hindi na lang kami ang kalaban. Kasama niya ang mga taong handang gawin ang lahat para makuha ang gusto nila.Kinabukasan, maaga pa lang ay narinig na namin ang ingay sa labas.Agad kaming lumabas at nakita ang mga taong nagkakagulo sa harap ng bakuran. May mga hawak na papel, may mga nakaturo sa amin, at may mga nagsisigawan na parang galit na galit.“Ano po ang nangyayari?” tanong ni Xavier habang dahan-dahang lumalapit kasama ako.Isa sa mga nakatayo doon ang lumapit sa amin, mukhang galit at puno ng pagdududa.“Nakatanggap kami ng abiso,” sabi niy
Read more