Natigilan si Diana sa narinig. Nagulat siya sa sinabi ni Hailey pero imbes na naghisterya, kalmadong sinagot niya ang tanong nito.“Magtatanong ka pa ba? Kung oo, hindi na kita dadalhan ng pasalubong?” Pananakot ni Diana kay Hailey.“Ate naman eh," maktol ni Hailey. Sumimangot siya. “Stop asking. Sige na. Ibababa ko na ‘to,” sabi ni Diana. “Salamat, Hailey.”“Ate, pasalubong ko ah?” muling ungot ni Hailey. “Kahit pastillas lang po, Ate."Napangiti si Diana. “Oo na. Basta iyong bilin ko, okay?”“Opo.”“Okay,” sabi ni Diana. Pinutol niya ang tawag at ibinulsa ang cellphone. “Loko talagang bata ‘yon,” ani niya pero may nakasupil na malaking ngiti sa labi.Bumalik si Diana sa loob ng kwarto ni Demi. Nilapitan niya ito. Umupo siya sa gilid ng kama at kinandong ito."Who are you talking to, Iana?" Devara asked, looking at her daughter.Tinitigan ni Diana ang mommy niya. “Ah— si Hailey. May pinapasuyo lang ako sa kanya.”Tumango si Devara. “Kumain ka na ba?” Iniwas ni Diana ang kanyang mat
اقرأ المزيد