Mag-log inNapilitan si Diana na pumayag na maging trainee. Nalaman niya na kasali rin si Raine. Kahit papaano ay nawala ang kanyang inis. Sa totoo lang ay gusto niya'ng sugurin si Crassus, pero kung gagawin niya 'yon. Ano naman ang mapapala niya? Wala pa rin magbabago dahil pagmamay-ari mismo ni Crassus ang kompanya'ng pinagtatrabahuan niya.Kaya ito siya, mag-isang naglalakad papunta sa training session ng kompanya. Pagpasok niya sa silid ay may mga empleyado ng naghihintay kay Mr. Almonte. Kumunot ang noo nang mapansin na halos bakante ang first row. Saglit siyang huminto. Tinitigan niya ang mga empleyado. Kanya-kanya ang kumpulan ng mga ito. Hanggang sa mapansin siya ni Gilbert. Lumingon ito sa kanya at pahapyaw na ngumiti.“Hi, Diana,” sabi ni Gilbert. Namulsa ito. “Upo ka,” ani niya sabay turo sa bakanteng upuan.Nginitian ni Diana si Gilbert. “Salamat,” ganting sagot niya. Pumili siya ng upuan, at dahil okupado na ang nasa likuran— sa first row na lang siya umupo.Tahimik na umupo si D
Kakapasok pa lang ni Diana sa office pero ramdam na niya ang kakaibang tingin ng mga empleyado. Hindi niya maiwasang itikyas ang kanyang kilay. Nawe-weirduhan siya sa asal ng mga ito. May iba pa na ang sama ng tingin sa kanya.Saglit na tumigil si Diana. Dali-dali naman nagsibalikan ang mga ito sa pagtatrabaho. Napakurap siya. Imbes na pagtuunan pa ng pansin ang mga alipores ni Crassus, hinawi ang niya ang kanyang buhok. Taas- noo siya'ng naglalakad patungo sa kanyang cubicle.Nagliwanag ang mukha ni Hailey nang makita si Diana. Tumayo ito. “Ate,” sabik niya'ng sabi. Tumayo siya sa gilid ng cubicle ni Diana at tumunghay roon. “Nandito ka na pala.”Umismid si Diana. Pasimple niya'ng sinuot ang kanyang salamin at binalingan si Hailey. “Kamusta?”Ngumiti si Hailey. “Okay lang po ako, Ate Diana,” masayang sagot niya. “Ikaw po? Kamusta ang lakad?”“Okay lang,” sabi ni Diana. Bumuntonghininga siya. “Si Ma'am?”Hindi kaagad sumagot si Hailey. Lumingon muna siya sa paligid. Nang makitang aba
"Kung fling lang, bakit hindi ka makatingin sa akin?” panghuhuli pa'ng tanong ni Raine kay Diana. Pinukol niya ito ng nagdududang tingin.Natigalgal si Diana. Lumunok siya. Hindi siya mapakali sa paraan ng pagtitig ni Raine. Para'ng CT Scan kasi ang mata nito. Titig pa lang pero parang hinuhukay na nito ang tinatago niya'ng emosiyon.Dahan-dahan na lumayo si Diana at pekeng ngumiti. “Bakit naman kita titignan? Nag-uusap na nga tayo,” basta-basta lang niya pangatuwiran na hindi nag-iisip. Ngumisi si Raine. “Uy, bothered siya. Ibig sabihin, may naalala siya,” panunukso ulit ni Raine. “So may mahal ka na nga?”Nalukot ang mukha ni Diana. “Ano ba iyang pinagsasabi mo?” tanggi pa niya. “Wala ako'ng mahal. Fling lang talaga ang meron ako.”“Weeh? Bakit wala akong narinig dati na may kalandian ka?” Giit pa ni Raine. “Ay! Oo nga pala. May isa! Iyong ka-engage mo na lalaki rati?” tanong ni Raine na siyang ikinamutla ni Diana. “Teka, ngayon ko lang naalala. Ikakasal ka na pala rati.”Lumamig a
ONE WEEK LATER....“Woy!”Napapitlag si Diana nang bigla siya'ng sikuhin ni Raine. Nakasalampak siya ng upo sa black carpet at naglalakbay ang isip. Tumingala siya para tignan ito.Tumabi si Raine kay Diana. Muling nanood si Diana sa tv, pero habang tumatagal— naglalakbay na naman ang isip niya. Natulala siya.Kumunot ang noo ni Raine. Kanina pa niya napapansin na wala sa pinapanood na Netflix ang diwa ni Diana. Kinawayan niya ang mukha nito.Napakurap si Diana. Napalingon siya kay Raine at nalilitong tinitigan ito. “Huh? Bakit?”“Ang lalin ng iniisip mo,” puna ni Raine. “May problema ba?”Dumating si Diana noong isang galing Singapore. Pagkatapos niyang bisitahin sila Demi— mas lalo niya'ng namiss ang kanyang anak. Pakiramdam niya ay kulang limang araw para makasama ang anak niya. Lalo na at medyo nasanay na siya sa paghahands-on kay Demi.Hindi tulad dati, hindi umiyak si Demi nang umalis siya— subalit hindi rin ito kumikibo. Pansin ni Diana na tahimik na ito mula ng hinatid siya s
"So, Iana. How's your job?" Pagbubukas ni Arthur ng usapan habang nasa harap sila ng hapagkainan.Tipid na ngumiti si Diana. "Okay naman po. Hindi naman po siya masyadong nakakapagod."Tumango si Arthur. "Kailan ka magreresign sa kompanya ni Crassus?”Natigilan si Diana sa pagsubo kay Demi ng pagkain, dahil sa tanong nito— bigla siya naasiwa. Palipat-lipat na tinitigan niya ang kanyang Mommy at Daddy."Bakit mo po natanong, Dad?" pagsubok ni Diana na i-divert ang usapan."I need answers, Diana," Arthur replied. Sumandok si Diana sa plato ni Demi ng soft food. Inihipan niya muna ‘yon bago isubo sa anak niya. “Eight months from now, Dad.”Nabitawan ni Arthur ang hawak na kutsara. Nagkatinginan sila ni Devara. Nang makitang nagulat din ang kanyang asawa ay binalingan niya si Diana.“That's almost a year, Diana," Arthur said firmly. "I don't think I can wait that long."Bumuntonghininga si Diana. “Sorry, Dad— pero wala rin ako'ng magagawa,” ani pa niya. “ Pinilit ko si Crassus, pero iy
Gabi na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Diana. Nasa harap siya ng bintana ng kwarto ni Demi. Siya ang nagbabantay habang natutulog ito.Lumingon si Diana kay Demi. Tinitigan niya ang hininga nito, at nang masiguro niyang payapa ang tulog nito ay bumalik siya sa pagharap sa bintana.Simula nang makausap niya si Chermund, ayaw na matahimik ng utak niya. Ang dami niya'ng iniisip. Iniisip niya kung ano na ang gagawin sa susunod. Iniisip niya rin kung kailan siya babalik sa Pinas. Sa dinadaming tao na pwede niya'ng makasalamuha, si Chermund pa talaga. Buti na lang ay nakaya na niyang pumatol sa kamalditahan nito. Siguro ay dahil sa malalim na galit kaya nagawa niyang inisin ito. Napabuntonghininga siya.Dasal niya ay sana ay iyon na huling pagkikita nilang dalawa. Ayaw na niya na magkabungguan siko ito. Muntik na siya mabuko kanina. Dala pa naman niya ang prescription ni Demi dati. Paano na lang kung maririnig nito ang sasabihin ng pharmacist?Kinakabahan siya, paano na lang kung
“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood.
Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang ab
“Crassus…”Kumunot ang noo ni Crassus nang makita ang hindi maipinta'ng mukha ni Scott. Pabagsak ito’ng umupo sa harap niya nang nakatiimbagang. “You have a lot of explaining to do,” Scott said coldly, trying hard to keep composure because his patience is wearing thin. “Why didn’t you tell me she'
Lukot ang mukha ni Scott habang tinatahak ang hallway ng kompanya'ng pagmamay-ari ng parents niya. Hirap na hirap makisabay sa kanya si Gilbert— ang bago niyang lalaki na secretary.Umaatake na naman ang arthritis ng Daddy niya kaya siya ang nakatukang mamahala sa kompanya nila sa loob ng ilang ara







