تسجيل الدخولDumaan ang tatlong buwan, wala ng naririnig si Diana galing kay Scott. Hindi na siya nito binubalabog. Hindi na rin ito nagpapakita sa kanya at mas lalong hindi na siya nakakatanggap ng mga unexpected gifts. Bumalik sa dating gawi ang buhay niya. Bagay na ipinagsalamat niya dahil wala na siyang problema.Aaminin niya'ng iniisip niya pa rin si Scott. Lalo na noong nag-order ito ng lunch para sa kanya. Akala niya kasi ay bubulabugin na naman siya nito. Alalang-alala pa naman siya that time na baka nasa lobby ito ng Forgatto. Ganoon kasi ang estilo nito. Kapag may sadya ito ay mag-aabang ito sa baba.Laking gulat na lang niya na wala ang bulto nito pagkababa. Inisip niya na baka nagpa suspense lang ito. Na baka sa susunod araw pa ito mamemeste, pero hindi. Talagang hindi ito nagpakita sa kanya. Simula niyon, wala na siyang balita kay Scott.Napangiwi si Diana. Ayaw na niya'ng iisipin pa si Scott kaya naiisip niya'ng silipin si Raine at Tita Roberta. Nasa likod ito ng sasakyan nakaupo. Ma
“Bud….”Napalingon si Scott kay Crassus nang tawagin siya nito. Nasa loob sila ng leisure house nito. Hindi niya alam kung ano'ng tupak ang mayroon ito ngayon. Bigla itong tumawag at nang-aya na uminom.Kaya ito sila, parehong nakasalampak sa carpet. “Yes,” Scott replied. Pagkatapos ay uminom siya ng alak.Tinungga muna ni Crassus ang laman ng tin can beer nito bago magsalita, “How are you and Chermund?”Kamuntik ng mabulunan si Scott dahil sa tanong nito. Pinahid niya ang kanyang bibig at gulat na napatitig kay Crassus.“Why did you ask?” Nagkibit-balikat si Crassus. “I'm just curious.” Dumampot siya ng chips sa la mesa. He fixed his gaze on Scott. “I haven't heard anything about you two these past few months.”Natahimik si Scott. Kunot-noong tinungga niya ang laman ng tin can beer habang nakatitig sa sahig. Nakulangan pa siya sa kanyang nainom kaya uminom ulit siya. Sa pagkakataon iyon ay naparami na ang kanyang nainom.Bumuntonghininga si Scott pagkatapos uminom. Lumingon siya ka
Napilitan si Diana na pumayag na maging trainee. Nalaman niya na kasali rin si Raine. Kahit papaano ay nawala ang kanyang inis. Sa totoo lang ay gusto niya'ng sugurin si Crassus, pero kung gagawin niya 'yon. Ano naman ang mapapala niya? Wala pa rin magbabago dahil pagmamay-ari mismo ni Crassus ang kompanya'ng pinagtatrabahuan niya.Kaya ito siya, mag-isang naglalakad papunta sa training session ng kompanya. Pagpasok niya sa silid ay may mga empleyado ng naghihintay kay Mr. Almonte. Kumunot ang noo nang mapansin na halos bakante ang first row. Saglit siyang huminto. Tinitigan niya ang mga empleyado. Kanya-kanya ang kumpulan ng mga ito. Hanggang sa mapansin siya ni Gilbert. Lumingon ito sa kanya at pahapyaw na ngumiti.“Hi, Diana,” sabi ni Gilbert. Namulsa ito. “Upo ka,” ani niya sabay turo sa bakanteng upuan.Nginitian ni Diana si Gilbert. “Salamat,” ganting sagot niya. Pumili siya ng upuan, at dahil okupado na ang nasa likuran— sa first row na lang siya umupo.Tahimik na umupo si D
Kakapasok pa lang ni Diana sa office pero ramdam na niya ang kakaibang tingin ng mga empleyado. Hindi niya maiwasang itikyas ang kanyang kilay. Nawe-weirduhan siya sa asal ng mga ito. May iba pa na ang sama ng tingin sa kanya.Saglit na tumigil si Diana. Dali-dali naman nagsibalikan ang mga ito sa pagtatrabaho. Napakurap siya. Imbes na pagtuunan pa ng pansin ang mga alipores ni Crassus, hinawi ang niya ang kanyang buhok. Taas- noo siya'ng naglalakad patungo sa kanyang cubicle.Nagliwanag ang mukha ni Hailey nang makita si Diana. Tumayo ito. “Ate,” sabik niya'ng sabi. Tumayo siya sa gilid ng cubicle ni Diana at tumunghay roon. “Nandito ka na pala.”Umismid si Diana. Pasimple niya'ng sinuot ang kanyang salamin at binalingan si Hailey. “Kamusta?”Ngumiti si Hailey. “Okay lang po ako, Ate Diana,” masayang sagot niya. “Ikaw po? Kamusta ang lakad?”“Okay lang,” sabi ni Diana. Bumuntonghininga siya. “Si Ma'am?”Hindi kaagad sumagot si Hailey. Lumingon muna siya sa paligid. Nang makitang aba
"Kung fling lang, bakit hindi ka makatingin sa akin?” panghuhuli pa'ng tanong ni Raine kay Diana. Pinukol niya ito ng nagdududang tingin. Natigalgal si Diana. Lumunok siya. Hindi siya mapakali sa paraan ng pagtitig ni Raine. Para'ng CT Scan kasi ang mata nito. Titig pa lang pero parang hinuhukay na nito ang tinatago niya'ng emosiyon. Dahan-dahan na lumayo si Diana at pekeng ngumiti. “Bakit naman kita titignan? Nag-uusap na nga tayo,” basta-basta lang niya pangatuwiran na hindi nag-iisip. Ngumisi si Raine. “Uy, bothered siya. Ibig sabihin, may naalala siya,” panunukso ulit ni Raine. “So may mahal ka na nga?” Nalukot ang mukha ni Diana. “Ano ba iyang pinagsasabi mo?” tanggi pa niya. “Wala ako'ng mahal. Fling lang talaga ang meron ako.” “Weeh? Bakit wala akong narinig dati na may kalandian ka?” Giit pa ni Raine. “Ay! Oo nga pala. May isa! Iyong ka-engage mo na lalaki rati?” tanong ni Raine na siyang ikinamutla ni Diana. “Teka, ngayon ko lang naalala. Ikakasal ka na pala rati.” Luma
ONE WEEK LATER....“Woy!”Napapitlag si Diana nang bigla siya'ng sikuhin ni Raine. Nakasalampak siya ng upo sa black carpet at naglalakbay ang isip. Tumingala siya para tignan ito.Tumabi si Raine kay Diana. Muling nanood si Diana sa tv, pero habang tumatagal— naglalakbay na naman ang isip niya. Natulala siya.Kumunot ang noo ni Raine. Kanina pa niya napapansin na wala sa pinapanood na Netflix ang diwa ni Diana. Kinawayan niya ang mukha nito.Napakurap si Diana. Napalingon siya kay Raine at nalilitong tinitigan ito. “Huh? Bakit?”“Ang lalin ng iniisip mo,” puna ni Raine. “May problema ba?”Dumating si Diana noong isang galing Singapore. Pagkatapos niyang bisitahin sila Demi— mas lalo niya'ng namiss ang kanyang anak. Pakiramdam niya ay kulang limang araw para makasama ang anak niya. Lalo na at medyo nasanay na siya sa paghahands-on kay Demi.Hindi tulad dati, hindi umiyak si Demi nang umalis siya— subalit hindi rin ito kumikibo. Pansin ni Diana na tahimik na ito mula ng hinatid siya s
“I want to keep the baby. Gusto ko po'ng itago sa kanya na buntis ako.”Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho sila'ng nagulat sa desisyon ni Diana. Akala nila ay gagamitin ni Diana ang bata’ng dinadala nito para manghabol. Pareho nila alam kung gaano nito kamahal si Scott, pero bakit gusto nito itago
Titig na titig si Diana sa medical results na kanyang hinahawakan. Binuklat niya papuntang likod ang papel. Bumungad sa kanya ang litrato ng kuha ng ultrasound.Kanina pa siya tapos magpakonsulta pero hindi pa niya magawang umalis ng ospital. Nangangatog pa rin ang tuhod niya at malakas pa rin sa p
“Iana!” sigaw ni Raine nang mabilis itong tumakbo papuntang banyo.Umagang-umaga pero panay na ang duwal ni Diana sa inidoro. Kung hindi lang nakakadiri na ipasok ang kanyang ulo roon ay kanina pa niya iyon ginawa. Sa sobrang sama ng kanyang sikmura ay pinagpawisan na siya. Ilang segundo pa lang si
“Ate! Bakit ngayon ka lang pumasok? Hinahanap ka ni Ma'am Zaragoza uy. Galit na galit,” sabi ni Hailey, ang kasama niya sa Public Relation Department.Kumunot ang noo ni Diana. Kakapasok niya pa lang sa opisina at iyon na ang bumungad sa kanya. Medyo masakit pa ang ulo niya kaya wala siya sa mood.







