Teilen

Billionaire's Fated Twins
Billionaire's Fated Twins
Bratinela17

Kabanata 0001

last update Veröffentlichungsdatum: 02.06.2026 16:03:17

Habang kumukulog ng malakas sa labas at pag bagsak ng ulan. Hindi maawat ang pagsabay ng mga luha na rumaragasa sa mga mata ni Vanessa. Nasa clinic kasi siya ngayon kasama ang kanyang evil witch step-mother.

Nakahiga siya sa isang malamig na higaan katatapos lang siyang pag eksperimentuhan ng mga walang pusong tao sa paligid niya. At the age of 15 years old naranasan na niya ang pait ng mundo.

Nakita niyang nagbabayad na sa step-mom niya ang di niya pa makilalang tao.

Her devil step-mom. Hinding hindi niya ito mapapatawad kahit na siya ay mamatay.

Lumipas ang ang bawat mga araw. Naging ganap na dalaga si Vanessa pero never siyang nag entertain ng lalaki sa buhay niya dahil natatakot siya. May malaking sekreto sa kanyang buhay na kahit na sino maliban sa namayapa niyang step-mom ang tanging nakaka alam.

Heto katatapos lang ng kanilang klase sa Professional Education . Graduating students na siya sa kursong Elementary Education. Mahilig kasi siya sa mga bata. Palagi siyang sumasali sa mga youth club sa kanilang simbahan. Simula kasi ng mamatay ang Papa niya naiwan siya sa kanyang madrasta na may anak na babae at lalaki. Lumaki siya na palaging binubully ng dalawa lalo na si Marcus. Pero mas mabait kahit papaano si Martina.

"Vanessa." tawag ni Carlene.

Natigil ang kanyang pagbabalik gunita sa kanyang masalimuot na nakaraan ng marinig ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan.

"Hoy! Vanessa." ulit nito ng hindi niya lumilingon kaya lumapit na lamang ito at hinila ang kanyang buhok.

"Ikaw pala Carlene. Wala ka na bang klase?" balik na tanong ni Vanessa rito.

"Uhmm! Wala at teka kasali ka ba sa project ng UDM ngayong semester?" tanong nito.

Ang tinutukoy nito ay ang charity workers ng mga UDM. Ang University of Devine Monte ay may sangay. Una ang Elementary, Junior at Senior High School at ang College kagaya nila.

Sila ang naatasan na maglinis sa campus ng UDM. Kaya naman next week maglilinis siya at ang iba pa niyang kasama sa gawaing iyon.

"Oo, alam mo naman hindi ako pwedeng tumanggi dahil deans lister ako. Ikaw ba? Gusto mo bang sumama sa akin?" alok niya sa kanyang matalik na kaibigan na si Carlene.

"Hmmp! Pag-iisipan ko girl. Alam mo naman kaka polish lang ng nails ko." maarteng wika nito sabay pakita pa sa kanya.

"I see. Sige, sige pero kung magbago ang isipa mo ha. Sabihan mo lang agad ako." aniya.

"Ok, lab yah girl. Sige na mauuna na ako at may date pa ako." wika nito sabay beso beso sa kanya bago umalis.

Naiwan naman siyang mag-isa ulit. Maya maya lang tumunog na ang bell kaya tanda na kailangan na niyang bumalik sa klase.

Habang naglalakad siya hindi niya namalayan ang isang balat ng saging sa lapag at kanyang natapakan. Nadulas siya at napapikit nang akalang babagsak siya ngunit laking gulat niya ng parang umangat ang kanyang katawan.

Napadilat siya at tumambad sa mukha niya ang mukha ng isang lalaki.

"J-Jethro?" gulat na wika niya sabay tayo.

Isa ito sa lalaking kinaiinisan niya dahil punong puno ng yabang sa katawan.

"Yeah! Ako nga! Hindi ko alam na tatanga tanga pala ang genius ng klase." natatawang wika nito.

Sinimangutan agad siya ni Vanessa.

"Ay! Pasensya naman may kumain kasi ng saging.. Parang ikaw iyon. Hindi ba't kalahi mo iyon??" sarkastikong asar niya rito.

"Woah!"

"Hahahaha."

Maya maya lang nagtawanan ang mga kasama nito sa likuran. Lalong kinainis ni Jethro kaya naman ninakawan niya ng halik si Vanessa sa labis na inis.

Agad tinulak ni Vanessa si Jethro sabay sampal. "Bastos ka!!" singhal niya at nagmartsang naglakad papalayo..

Sa lahat ng lalaking nakilala niya si Jethro ang kinabubuwesitan niya talaga.

Pagpasok niya sa loob ng classroom. Napansin ni Mikael na naiinis si Vanessa kaya lumapit ito kaagad sa kanya. Kung siya man ay may gugustuhin baka si Mikael pwede pa kaso hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya at mahirap naman pilitin ang puso na ayaw tumibok sayo.

"Oh! Vane, bakit tila nakasimangot ka dyan. Nag-away na naman ba kayo ni Jethro?" tanong ni Mikael at mukhang nakuha nga niya.

"Paano mong nalaman? Hindi ko pa nga sinasabi sayo." balik na tanong ni Vanessa rito.

"Hmmmp! Kahit hindi mo sabihin naman malalaman ko pa rin. Wait, kasi naman ikaw ang gaga gaga mo girl." aniya.

"Gaga! Paano akong naging gaga bakla ka ng taon." ani ni Vane.

Sinamaan siya ng tingin ni Mikael. "Tumigil ka nga! Baka may makarinig sayo dyan. Malaman pa ng dad ko at majombag ako pag-uwi." saway ni Mikael sa kanya.

"Chill! Wala naman nakarinig. Abala naman ang lahat no." sagot niya.

Yan ang totoo kaya hindi sila talo ng kaibigan niyang si Mikael dahil pula ang hasang nito at tanggap naman niya ang katauhan ng kanyang kaibigan. Well infact mas masaya siya na naging kaibigan niya si Mikael. Hindi nga lang ito naglaladlad dahil takot ito sa dad niya na senador.

"Oh! Tahimik ka na naman dyan. Sabi ko na nga ba pinapantasya mo talaga si Jethro." asar pa nito ulit.

"Hmmmp! Tumigil ka dyan baka masabunutan ko yang bulbol mo." biro ni Vanessa.

"Bastos! Maiwan na nga kita dyan." wika ni Mikael at tuluyan na ngang nagpaalam sa kanya dahil lilipat ito ng ibang classroom. Hindi kasi sila magkaklase sa last subject ni Vanessa.

Speaking of the devil. Mula sa pintuan tanaw niya na ang mukha ni Jethro. Ang lalaking pinagdarasal niya na hwag ng pumasok dahil palagi nitong sinisira ang araw niya. Hindi naman sila dapat magkaklase nito dahil College na sana ito kaso bumalik ito sa isang subjects lang at iyon ang subjects kong saan sila magkaklase.

"Hi girls!" Bati nito sa mga babaeng nagkakagulo sa kanya. Isa kasi siyang sikat na Varsity player sa UDM.

Pero tanging si Vanessa lang ang nilalapitan niya at sinusuyo este inaasar.

"Hi! Vanessa sweety." asar nito.

Kumunot naman ang noo ni Vanessa ng marinig ang sinabi nito. Magsasalita pa sana siya kaso dumating na rin ang professor nila si Mr. Steel. Mula sa Steel nitong surname. Kasing tigas ng bakal ang biceps nito kaya naman ganado ang ilang kababaihan na kaklase niya na mag-aral dahil sa professor nila na makalaglag panty talaga.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Billionaire's Fated Twins   Kabanata 0005

    Agad siyang bumaba ng sasakyan. Gusto niyang makasigurado kung si Vanessa nga ang nakita niyang na hit and run ng walang pusong tao na bumangga dito. Habang palapit siya ng palapit sa babaeng nakahandusay bigla siyang kinabahan. Nang dumating ang medic at ambulance. Binuhat na nila ang babae at doon na niya nakumpirmang si Vanessa nga iyon. Lumapit siya para magtanong kung saang ospital ito dadalhin dahil magsusundo pa siya sa kanyang anak at susunod na lang siya roon pagtapos niyang masundo si Evan sa school. "Hello, ma'am. Pwede bang magtanong kung saang ospital niyo dadalhin si Vanessa?" "Kilala niyo po ang biktima? Sa St. Jude Hospital po." sagot ng nagrescue rito. Thank you." sagot naman niya. Naka alis na ang ambulance at sumunod na lang ang babaeng napagtanungan niya. Bumalik na siya sa sasakyan para masundo ang kanyang anak na si Evan. Pero hindi pa rin talaga mawala wala sa kanyang isipan ang nangyari kay Vanessa. Nang masundo niya si Evan sa school at maihati

  • Billionaire's Fated Twins   Kabanata 0004

    Isang linggo na ang nakakalipas ng palayasin si Vanessa sa bahay nila ng kuya Marcus niya. Alam naman niyang may karapatan siya roon dahil pundar iyon ng kanyang mga magulang kaso ng namatay ang dad niya naging mas malaking kalbaryo ang tinamo niya. Noong buhay ito sinasaktan na siya ng kanyang madrasta pero never siyang nagsumbong sa dad niya dahil tinatakot siya nito palagi na papatayin silang mag-ama kapag nag sumbong siya. Kaya expected na talaga niya na masasaktan siya rito. Hindi na nga siya nagkamali at nangyari nga. Kaya ayaw na niyang maalala pa. Mabuti nga ay naka alis na siya sa poder ng mga masasamang tao na iyon at malaya na siya. Kahit sa school lang siya natutulog ay ayos lang basta masaya siya. Kinabukasan panibagong araw na naman. Masaya siya sa buhay niya ngayon dahil wala siyang kailangang pakisamahan. Kagaya ng mga step siblings niya na ginawa na siyang alila sa bahay niya. Lumabas siya ng school suot ang kanyang uniporme. Nagpara ang isang sasakyan sa har

  • Billionaire's Fated Twins   Kabanata 0003

    Habang nasa kumpanya si Sebastian hindi nawala sa isipan niya ang babae kanina. Tila may connection silang dalawa na hindi niya maipaliwanag at ang nakakatawa pa nga roon ay pinagkamalan siya nitong construction worker.. Pangiti ngiti siya ng makita siya ni Perry ang kanyang katiwala. "In-love?" biro nito. Natigil ang iba niyang iniisip ng marinig ang sinabi ni Perry. "I think, meron na akong napupusuang maging Mommy ni Evan. Did you remember the girl in UDM?" tanong niya kay Perry. "Yeah! What about her, Seb?" tanong nito sa kanya. Sa palagay naman niya e, iyon naman talaga ang babae kanina. "I'm gonna marry her, Perry. What do you think? She's not a gold digger. Actually kanina napagkamalan niya akong construction worker." aniya. "Hahahaha! Bakit naman, Seb? Gwapo ka naman ah." tanong ni Perry pero natatawa. "I don't know, Perry. Ang mahalaga nakita ko na gusto siya ni Evan." "Ikaw ang bahala at buhay mo naman yan. Ako payong kaibigan lang ha. Guard your heart hin

  • Billionaire's Fated Twins   Kabanata 0002

    Pagdating niya ng kanilang bahay. Nagkalat na ang kanyang mga gamit sa labas. "Marcus, anong ibig sabihin nito?" tanong niya na nagtataka. "Tanga ka ba o sadyang boba ka!! Pinapalayas na kita sa bahay." asik nito. "Wait, bahay 'to ng Papa ko. Bakit ako ang papalayasin mo???" "Aba! Sumasagot ka pa talaga. Halika dito makikita mo ang hinahanap mo." singhal nito sa kanya. Kasabay ng paghila ni Marcus ng kanyang buhok. "Aray! Nasasaktan ako kuya Marcus." nagmamakaawa niyang sambit at baka sakaling tablan ito ng awa ngunit sagad sa buto ang kasamaan ng kanyang step-brother. Tinulak siya nito at natumba siya. Pinagsarhan siya nito ng pintuan. Wala siyang nagawa kundi pulutin isa-isa ang kanyang gamit. Habang pinupulot niya ito bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya basang basa siya ng ulan. Halos mabasa na rin ang kanyang mga gamit. Miski ang kanyang mga libro. Sobrang sama ng loob niya ngayon. Napalayas siya mismo sa sarili niyang pamamahay. Lamig na lamig na s

  • Billionaire's Fated Twins   Kabanata 0001

    Habang kumukulog ng malakas sa labas at pag bagsak ng ulan. Hindi maawat ang pagsabay ng mga luha na rumaragasa sa mga mata ni Vanessa. Nasa clinic kasi siya ngayon kasama ang kanyang evil witch step-mother. Nakahiga siya sa isang malamig na higaan katatapos lang siyang pag eksperimentuhan ng mga walang pusong tao sa paligid niya. At the age of 15 years old naranasan na niya ang pait ng mundo. Nakita niyang nagbabayad na sa step-mom niya ang di niya pa makilalang tao. Her devil step-mom. Hinding hindi niya ito mapapatawad kahit na siya ay mamatay. Lumipas ang ang bawat mga araw. Naging ganap na dalaga si Vanessa pero never siyang nag entertain ng lalaki sa buhay niya dahil natatakot siya. May malaking sekreto sa kanyang buhay na kahit na sino maliban sa namayapa niyang step-mom ang tanging nakaka alam. Heto katatapos lang ng kanilang klase sa Professional Education . Graduating students na siya sa kursong Elementary Education. Mahilig kasi siya sa mga bata. Palagi siyang

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status