Myla’s POV “Myla, I need to do this for my son. Sobrang laki na ng pagkukulang ko sa kaniya bilang ama niya. Ang hiling man lang niyang magkaroon ng isang mommy ay maibigay ko para…para hindi na siya pagtawanan o kutyain ng ibang tao. I'm a bad father, Myla. I can't even make my son happy.” Unti-unting yumuko si Raven palapit sa akin. Bawat galaw niya ay sinundan naman ng mga mata ko. “Sa tingin ko, hindi naman ‘yon ang tingin sa’yo ni Aleron…” wika ko para naman hindi siya masyadong malungkot. Narinig ko na rin naman si Aleron na purihin ang daddy niya at malayong-malayo ang sinasabi ngayon ni Raven sa tingin sa kaniya ni Aleron. Napangiti naman siya sa sinabi ko, sa tingin ko naman kahit paano ay gumaan ang loob niya. “Lumalaki na kasi siya, hindi na siya ang baby ko noon na kahit anong gawin ko ay hindi panniya masyadong naiintindihan... Madali ko pa siyang napapasaya noon, pero ngayon na marami na siyang nakikilala, nakikita, at nakakapag-isip at desisyon na siya ng sa
Read more