Se connecterVenice’s POV“Give me a chance to prove myself; this time I won’t give you any reason to doubt my feelings…” Yumuko siya at halos nanlalambot na ang kamay na nakahawak sa akin.“Troy,” tawag ko sa kaniya kaya agad siyang napataas ng ulo para tignan ako.“Hindi mo kailangan na bigyan ako ng sagot ngayon, kaya kong maghintay kung kailan handa ka na. Kung sa tingin mo talagang deserve ko na mabigyan ng pagkakataon at…At wala ka pang iba, kaya kong maghintay kahit buong buhay ko pa… Pero kung sakali na mayroon ay rerespetuhin ko ang relasyon ninyo.”May nginig ang boses niya, alam kong sinasabi lang niya ang mga salitang ‘yon para pagaanin ang loob ko kung sakaling mayroon ng ibang lalaki na sa buhay ko. Aminin ko man o hindi ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya, gusto ko siyang tawanan ngunit hindi ko magawa dahil hindi ‘to ang oras at lugar para asarin siya.Talaga bang inaakala niyang lalaki ko si Geo?Kung alam lang niya ang totoo ay baka siya pa ang kusang tumawa sa sari
Venice’s POV“Magiging maayos ang operasyon, magtiwala lang tayo sa kanila at kay Vyron,” sambit ni mama Grace sa gilid ko at mahigpit na hiwakan ang kamay ko, kahit ang sa kaniya ay nanlalamig din at nanginginig simula pa kanina.Ilang oras na ang lumipas simula ng pumasok sila Troy sa operating room at simula noon ay wala kahit isa sa mga nurse ang lumabas doon, kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Kahit si Troy na sinabi niyang lalabas siya pag hindi niya nakayanan ay hindi pa rin lumalabas ngayon, hindi ko alam kung dapat ko ba na ikagaan ng loob ‘yon o hindi.“Mama, ilang oras na pero hindi pa rin tapos. Kinakabahan ako, paano kung—”“Ven, anak… h’wag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano, magiging maayos ang lahat. Makikita ulit natin ang matamis na ngiti ni Vyron, magtiwala lang tayo,” marahan niyang saad at hinaplos ang likuran ko ng paulit-ulit.Napakagat ako ng ibabang labi at walang nagawa kundi ang tumango, kahit na ilang ulit na nilang sinabi na h’wag
Troy’s POV“I want to join the operation,” walang pagpapatumpik-tumpik na saad ko pagpasok ko palang ng office ni Doctor Reyes, agad na napaangat ang ulo niya at nanlalaki ang matang tinignan ako.“Troy, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong gusto mong sumali sa operasyon, hindi ba at nakapagusap na kayo ng asawa mo tungkol dito? Ayaw niyang sumama ka sa loob ng operating room, hindi niya magugustuhan ang plano mo na ‘yan,” sambit niya at pinatong ang magkabilang palad sa ibabaw ng lamesa.Umiling naman ako seryosong tumingin sa kaniya.“Gusto kong may kasama ang anak namin sa loob ng operating room na ‘yon, hindi ko siya nakasama ng ipanganak siya ni Venice, hindi ko siya nakasama sa unang lakad niya, unang beses na nakapagsalita siya, unang araw ng school, pagkatapos ng maraming taon ‘to lang ang pagkakataon ko na samahan siya at hindi hayaan na mag-isa. Sa tingin mo ba ay papalagpasin ko ang pagkakataon na ‘to?”“Troy, alam mong hindi p’wede na—”“Let me be your assistant doctor,”
Venice’s POV“Ma’am please, hindi po kayo p’wede sa loob,” pakiusap sa akin ng isa sa mga nurse ng ilang beses na akong nagpipilit na tignan si Vyron.“Ven, kumalma ka. Ang sabi ng doctor ay ayos lang ang lagay ni Vyron,” pagpapakalma sa akin si Hana, ang asawa ni Yael. “Magiging maayos din ang lahat, kung guguluhin natin sila sa ginagawa nila baka lalo lang magkaproblema sa sitwasyon ni Vyron,” mahinahon pa niyang dagdag.“Paano kung kailangan ako ni Vyron sa loob, paano kung hinahanap niya ako?” Hinawakan ko siya sa braso at tinignan ng diretso sa mga mata. “Hana, natatakot ako sa p’wedeng mangyari. Hanggang ngayon wala pa rin usad, kung alam ko lang na mangyayari ang ganoon na bagay hindi ko siya hinayaan na mag-isa sa party—”“Ven, h’wag mong sisihin ang sarili mo. Wala namang may gusto sa nangyari. Hindi mo kailangan na isiping pinabayaan mo siya kaya nangyayari ngayon ang bagay na ‘to, alam ng lahat kung gaano mo kamahal si Vyron kahit isa sa amin walang nag-iisip na may kasalan
Venice’s POV“We found a donor!” Malakas na sigaw ni Ced na halos umalingawngaw pa sa buong hallway ng hospital, ang nakayuko kong ulo ay agad na napataas para tignan siya na kausap na si Troy.Hinawakan naman ni mama Grace ang kamay ko at sinabayan ako sa pagtayo, ilang oras na rin kasi kaming andito sa hospital at wala pa ring tulog at kain.Kahit ilang beses nilang sinabi na matulog muna ako o kumain ay hindi ko magawa, pakiramdam ko ay pag pumikit ako ay may mangyayaring hindi maganda kay Vyron.Natatakot ako sa bawat segundo at minuto na dumadaan, lalo na at walang sinasabi ang mga doctor kung ano ang lagay ni Vyron. Kahit sana sabihin man lang niya na magkakamalay din siya, gusto ko siyang makita; gusto ko siyang makausap at sabihin na maraming naghihintay sa kaniya.“We found donors, but we still need to check them before we celebrate. If one of them match him, then the operation will immediately proceed,” Yael said and looked at me as he also tapped Troy shoulder. “Your son wi
Troy’s POV“I can do it, Ven…” Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat ngunit umiling-iling lang si Ven sa akin, kahit alam niyang doctor ako at may kakayahan akong operahan ang anak namin. “Ven naman, wala ka bang tiwala sa akin?” Tinignan ko siya sa mata ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.“Hindi kita hahayaan na operahan si Vyron, Troy.” Huminga siya ng malalim at naupo nalang sa mga nakahalerang bangko sa gilid ng hallway, sinapo niya ang magkabilang parte ng ulo at yumuko. “Kakaalam mo lang na anak mo siya, alam kong gustong-gusto mo siyang operahan pero ayaw kong maramdaman mo ang pressure bilang daddy niya sa loob ng operating room, Troy.”Tiningala niya ako, may kung anong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin ng diretso.“Hayaan mo na ang ibang doctor na mag opera kay Vyron, maniwala ka sa kakayahan ng mga katrabaho mo. Hindi kita hahayaan na makaramdam ng panic o ano man na pakiramdam, walang pumipilit sa’yo na gawin ‘yon.” Hinawakan niya ang nanginginig kong m
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang







