“Ulitin natin, Mr. Kidnapper,” mariin, matigas, at may diin na utos ko, tinititigan siya nang malapitan.Binitawan ko ang kwelyo niya at tinuro ang bakal na mesa kung saan nakapatong ang mga baril.“Turuan mo ako kung paano bumaril,” puno ng poot at determinasyon na sabi ko, ang boses ko ay umaalingawngaw sa pavilion, sumasabay sa hampas ng alon sa labas. “Turuan mo ako kung paano pumatay. Turuan mo ako kung paano wasakin ang Feruzzi Syndicate na iyan. Dahil oras na makatapak ako pabalik sa Maynila, ako mismo ang babali sa leeg ng Boss nila.”Isang mahaba at nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tanging ang malakas na hangin lang ang naririnig.Pinanood lang ako ni Snyder. Ang titig niya ay bumaba sa mga mata ko, tila binabasa ang mismong kaluluwa ko.Isang napakaliit, halos hindi mapansing ngisi ang sumilay sa gilid ng labi niya.“Very well, Princess.”Tumalikod siya, naglakad papunta sa mesa, at kinuha ang itim na baril. Inalis niya ang magazine, chineck ang chambe
Read more