27 Years…Dalawampu't pitong taon na akong nabubuhay sa mundong ito, pero pakiramdam ko, mag-isa lang ako sa isang napakalaking hawla na gawa sa ginto at bakal, kung lalabas man ako ay natay sarado ako ng napakaraming body guards kaya minsanan lang ang may guts na makihalubilo sa akin.Lumaki ako sa loob ng napakalawak at malamig na Selverino Mansion, ang nag-iisang anak ng sikat at reclusive billionaire scientist na si Diego Selverino.Sa labas, tinitingala ang apelyido namin. Sa loob, ang tanging yumayakap sa akin ay ang nakakabinging katahimikan.Wala akong naging totoong kaibigan. Paano ba naman, ang palaging nakapaligid sa akin ay mga humanoid robots na ginawa mismo ng kumpanya ni Daddy.Sila ang nagsisilbing pamilya ko.Sila ang nagluluto ng pagkain ko, sila ang naglilinis ng kuwarto ko, sila ang nagbabantay sa bawat galaw ko. Sanay na sanay na ako sa mundong ito.Kung titingnan mo sila, parang mga totoong tao—ngumingiti, sumasagot, naglilingkod. Pero sa dulo ng araw, alam kong p
Read more