Kalagitnaan ng hapon. Saktong alas-tres ng hapon, ngunit sa loob ng main war room ng Feruzzi Mansion, tila huminto ang pag-ikot ng mundo.Ang selyadong kwarto na nasa ilalim ng lupa ay amoy ng kape, sigarilyo, at namumuong dugo. Ang hangin ay napakabigat, sapat na upang sakalin ang sinumang ordinaryong tao na papasok dito.Sa gitna ng kwarto, nakatayo si Leonrei Feruzzi.Ang kaniyang itim na sweatpants at tactical vest ay may bahid pa ng putik at ulan mula sa bigong operasyon sa Northbridge Highway kaninang madaling-araw. Ang kaniyang mga mata—na karaniwang malamig at kalkulado—ay namumula, nakakatakot, at walang tulog.Mahigit labindalawang oras na siyang hindi mapakali. Labindalawang oras mula nang mawala ang kaniyang mag-ina.“Boss,” basag ni Zora sa nakakabinging katahimikan ng kwarto. Nakatayo ang kanang kamay niya sa gilid ng dambuhalang holographic map ng buong siyudad ng Maynila. “Na-scour na ng mga tauhan natin ang buong Sector 7, 8, at 9. Walang bakas ng kahit anong safehouse
Read more