I-I… I…Gusto kong ibuka ang bibig ko. Gusto kong sabihin ang salitang dapat kong isagot, ngunit ang utak ko ay pilit na nilalabanan ang puso ko.Lihim akong naghihintay. Lihim akong nag-aasam. Kahit alam kong isa itong kahibangan, sa bawat segundong dumadaan, hinihiling ko na sana… sana mangyari ang himala.“Before she answers,” biglang nag-iba ang tono ng pari, ang kaniyang boses ay lumakas. “If anyone here present knows any reason why this couple should not be joined in holy matrimony, speak now, or forever hold your peace.”Isa.Dalawa.Tatlo.Wala.Walang sumagot.Gumuho ang lahat ng natitirang pag-asa ko. Napayuko ako.Huminga ako nang malalim. Tumingala ako at hinarap ang pari. Pilit kong pinatigas ang puso ko.Binuhusan ko ng malamig na yelo ang nag-aapoy kong karupukan.“I—”BLAAAAAAAAAAG!Isang nakabibingi at bayolenteng kalabog ang yumanig sa buong katedral!Ang dambuhalang pintuan na gawa sa makapal na kahoy ay marahas na bumukas nang parehas. Ang lakas ng pagkakahawi nito
Read more