“Sinasabi mo sa lahat na ayos ka lang, you smile at the guests, you play with my son... but your eyes are somewhere else. Ano bang bumabagabag sa’yo?”Napaiwas ako ng tingin. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. Ayokong sirain ang masayang araw ni Reyleigh dahil sa sarili kong multo ng nakaraan.“Pagod lang ako, Mister Hotdog. Ilang araw na rin tayong naghahanda para rito. Tsaka, ang dami kong inaalikabok kanina,” palusot ko sabay pekeng ubo. “Sige na, puntahan mo na ang anak mo. Mag-i-start na ang magic show maya-maya.”Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo, hindi na hinihintay ang sagot niya. Ramdam ko ang mabigat niyang paningin na nakasunod sa bawat galaw ko, ngunit pinilit kong magpakatatag.Kailangan mong magpanggap, Roselei. Para kay Reyleigh. Karapatan ng batang 'yon ang maging masaya ngayon.Pagsapit ng hapon, umabot sa rurok ang kasiyahan. Punong-puno ang hardin ng mga tawanan, musika, at palakpakan.Sa gitna ng stage, naroon ang isang napakalaking cake na may apat na l
Read more