“Swerte mo nga eh, may kainuman ka. Ang pangit kaya uminom mag-isa,” sabi ko, inaabot ang baso ko sa kaniya. “Oh, lagyan mo. Ang damot nito.”Binigyan niya ako ng masamang tingin bago sinalinan ng kaunting alak ang baso ko.“Oy! Bakit ang konti?! Kalahati lang?!” reklamo ko.“That bottle costs more than your life's earnings, street vendor. You sip it. You don't chug it like cheap gin,” masungit niyang paalala.“… at baka magkalat ka kapag lasing.” Dugtong niya na ikinataas ng kilay ko.“Sus! Alak lang din 'to. Walang pinagkaiba sa kwatro-kantos! At anong magkakalat? Hindi ako weak sa inuman no.” Itinaas ko ang baso ko at itinapat sa kaniya. “Tagay, Mister Hotdog! Para sa successful mong pagiging knight in shining armor ko kanina sa factory!”Hindi niya inabot ang baso ko. Tinitigan niya lang ako nang seryoso, pero sa huli, mahina niyang ipinagbangga ang baso niya sa baso ko.Isang lagukan lang ang ginawa ko. “Aaaaaah! Tangina, ang tapang pero ang sarap!”Mabilis akong dumakot ng mani a
Read more