“God dammit, can you stop calling me, Mister Hotdog,” paos at nakakamatay niyang sagot.“Call me, Leonrei.”Ang paningin niya ay bumaba sa mga labi ko. Ang paghinga niya ay naging mabigat at hindi pantay.Sa bawat paglabas ng hininga niya, tumatama ito sa mukha ko, amoy mint at mainit na kape.Hindi ko alam kung dahil ba sa puyat, sa pagod, o sa sobrang daming emosyon na nangyari ngayong araw, pero hindi ko nagawang lumayo.Parang may magnetikong pwersa na humihila sa akin palapit sa kaniya. O baka katawan ko na mismo ang kusang gumagalaw patungo sa kaniya.“Your body reacts to me naturally...”Nag-echo sa isip ko ang sinabi niya kahapon sa kusina.Totoo. Totoong-totoo.Mas inilapit niya ang mukha niya. Ang ilong niya ay sumadsad na sa ilong ko.“You are making me crazy, Roselei,” garalgal niyang bulong sa mismong mga labi ko. “D-Damn it... I can't hold back anymore.”Bago ko pa maproseso ang mga salita niya, tuluyan niyang isinara ang distansya.Sinakop niya ang mga labi ko.Nanlaki
Read more