Eksaktong alas-dose ng tanghali. Ang The Grand Pavilion Restaurant ay isang eksklusibo at mamahaling establisyimento kung saan ang mga bilyonaryo, pulitiko, at mga sikat na personalidad lamang ang nakakapag-book ng mesa. Ang paligid ay nag-uumapaw sa eleganteng disenyo, may tumutugtog na mahinang klasikal na musika mula sa isang grand piano, at ang amoy ng mamahaling wine at truffles ay nanunuot sa hangin.Nakatayo si Liana sa harap ng receptionist, pilit na pinapakalma ang nagwawalang tibok ng kanyang puso. Nakasuot siya ng isang pormal na turtleneck blouse na kulay cream at isang hapit na pencil skirt. Pinili niya ang damit na ito hindi para pumorma, kundi para itago ang madilim at nag-aapoy na hickey sa kanyang leeg na walang-awang iniwan ng demonyong kikitain niya ngayon."Table for Mr. Valmonte, please," kinakabahang wika ni Liana."This way, Ma'am," pormal na ngiti ng receptionist, iginiya siya patungo sa pinakadulo at pinakapribadong sulok ng restawran.Mula sa malayo, nakita a
Read more