Tatlong araw matapos ang eskandalo sa charity gala, ang Valmonte Penthouse ay tila naging isang dambuhalang kuta na walang sinuman ang maaring makapasok. Doble ang idinagdag na security personnel ni Zion, at ang lahat ng access codes sa buong Zion Prime Tower ay pinalitan. Wala nang Ice King na nagbabalat-kayo; ang naghahari ngayon ay isang purong Valmonte na handang pumatay para sa kanyang pamilya. Isang maaliwalas na Martes ng hapon. Napilitang umalis si Zion patungo sa isang emergency board meeting na hindi maaring ipagpaliban dahil sa bilyun-bilyong pisong merger ng kumpanya. Bago umalis, halos kalahating oras na hinalikan at niyakap ni Zion si Liana, panay ang bilin na huwag bubuksan ang p***o kahit kanino maliban kay Marcus na naiwan upang magbantay sa labas ng penthouse. Sa loob ng malawak na sala, tahimik na nagbabasa si Liana ng isang nobela habang nakaupo sa sofa. Sa di-kalayuan, abala sina Zael at Zoya sa pagbubuo ng isang dambuhalang puzzle sa ibabaw ng makintab na sahig
Mehr lesen