Ang Minor Basilica ni San Miguel Arkanghel sa Tayabas—ang isa sa pinakamahaba, pinakamatanda, at pinakamakasaysayang simbahan sa buong bansa—ay tila ginawang isang paraiso na bumaba sa lupa. Tulad ng mahigpit at walang-kompromisong utos ni Zeno, libu-libong white cascading orchids mula pa sa kanyang pribadong greenhouse sa Singapore ang nakapalibot sa bawat haligi, bawat sinaunang arko, at bawat upuan ng simbahan. Ang hangin sa loob ay napuno ng sariwa at pambihirang halimuyak. Ang sahig ng napakahabang pasilyo ay natatakpan ng isang makapal, purong puting silk carpet na nagkakahalaga ng milyun-milyon.Sa labas ng simbahan, nakaharang ang daan-daang security personnel habang libu-libong tao at mga miyembro ng media ang nag-aabang. Sa loob, ang mga bisita ay binubuo ng pinakamakapangyarihang tao sa bansa—mga senators, mga bilyonaryong negosyante mula sa iba't ibang bansa, at ang buong Board of Directors ng Valmonte Empire. Sa unahang hanay ay nakaupo si Don Roberto Valmonte, ang matand
Read more