Kinabukasan, isang pamilyar at nakakakabang gusali ang muling binisita ni Liana. Nakatayo siya sa mismong harap ng Zion Prime Tower, hawak nang mahigpit ang pabalat ng kanyang portfolio. Kailangan niya ng trabaho, at ayon sa isang email na natanggap niya kagabi mula sa HR ng Zion Prime, natanggap siya para sa isang final interview bilang Senior Architect ng kumpanya.Kahit na labag sa kanyang kalooban na tumuntong muli sa teritoryo ng lalaking dumurog sa kanya kahapon, kailangan niya itong gawin para sa kinabukasan ng kanyang mga anak."Dito lang kayo sa lobby café, okay? Nakikiusap ako, Zander. Bantayan mo ang mga kapatid mo. Huwag na huwag kayong aalis sa silyang ito," mahigpit na bilin ni Liana sa tatlo habang ini-aayos ang mga snacks sa lamesa nila."Yes, Mommy. Good luck sa interview," inosenteng sagot ni Zander, nag-adjust ng kanyang salamin. Tumango rin sina Zael at Zoya na may mga pilyong ngiti na hindi napansin ng kanilang ina.Nang makalayo si Liana at pumasok sa loob ng pan
Read more