Ang malaking *conference room* ng Apex Realty ay binalot ng malamig na hangin mula sa *centralized air conditioning*, ngunit para kay Celestine, tila siya ay nakaupo sa gitna ng isang nag-aapoy na disyerto.Miyerkules ng hapon. Isang pormal at napakahabang *meeting* ang kasalukuyang nagaganap sa pagitan ng mga matataas na opisyales ng kumpanya at ng mga kinatawan mula sa Local Government Unit (LGU) ng Tayabas City. Nakaupo si Celestine sa kanang bahagi ng mahaba at malapad na *mahogany table*, bitbit ang kanyang tablet upang kumuha ng *minutes of the meeting*. Sa mismong kaliwa niya, sa kabisera ng mesa, ay nakaupo ang CEO na si Zeno Valmonte.Sa paningin ng lahat, si Zeno ay ang perpektong bilyonaryo—nakasuot ng *immaculate* na *charcoal gray suit*, nakasandal nang pormal sa kanyang *executive leather chair*, at may seryoso, malamig, at matalim na ekspresyong nakatutok sa nagsasalitang kinatawan ng LGU. Ang paksa ay umiikot sa mga *zoning permits*, *tax declarations*, at mga regulasy
Read more