Lumipas ang tatlong araw sa loob ng Valmonte Estate nang may pansamantalang kapayapaan. Sa kabila ng pagiging bilanggo sa gintong hawla ni Zeno, hindi maikakaila ni Celestine na ang mansyon ay naging isang perpektong kanlungan para kay Zion.Sabado ng hapon. Maliwanag ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking salamin ng *sunroom* kung saan sila kasalukuyang naroroon. Nakaupo si Celestine sa isang malambot na *rattan chair*, abala sa pag-aasikaso ng mga *emails* para sa kumpanya sa kanyang *laptop*. Sa di-kalayuan, nakaupo si Zeno sa lapag, nakasuot ng kaswal na *white shirt* at *sweatpants*, seryosong nakikipaglaro ng *puzzle* kay Zion."Mali ang pwesto ng piraso na iyan, Zion. Tignan mo ang kulay ng gilid, hindi magma-match sa asul," pormal na turo ni Zeno, na tila ba isang bilyong pisong proyekto ang pinag-uusapan nila sa halip na isang *100-piece dinosaur puzzle*.Ngumuso si Zion ngunit sinunod ang lalaki. "Eh kasi Boss Daddy, pareho silang blue! Nakakalito po."Isang mahinang t
Read more