"Akala ko po hindi niyo pakikialaman ang personal na buhay ko."Pagrereklamo ko ng biglang sabihin ni tito Ace na may ipapakilala sa akin na babae para daw naman may iba akong pagkakaabalahan."Yeah! Just give it a shot. Malay mo maging maganda ang relasyon niyo." Pagpapatuloy nito."Pero tito. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi ko na wala pa akong balak para sa ganyang mga bagay.""I know, pero subukan mo lang. Saka para hindi lang kay Sofia natutuon ang oras mo.""Hindi problema para sa akin na maubos ang oras ko kay Sofia, tito. At alam niyo naman na ayaw ni Sofia sa mga taong malapit sa akin.""Iyon na nga ang punto ko sa usapan nating ito. Kenneth, from now on, huwag mo ng baby'hin si Sofia. Kailangan na niyang mag mature.""Pero hindi naman ibig sabihin nun tito na kailangan kong makipagkilala sa iba. Kung iyon lang naman pala ang gusto niyo ay susubukan ko siyang baliwalain at hindi pagbigyan sa mga gusto niya.""Wala din namang mawawala kung susubukan mo. And I know this
Read more