"Alam mo sayo ko lang ipinagka katiwala si Sofia." Seryoso na nakatitig lamang si tito Ace sa akin habang sinasabi iyon.Agad ko itong pinuntahan ng makauwi ako para makausap ayon sa gusto nito bago umalis ng istasyon ng pulis kanina."Nasabi niyo na iyan minsan sa akin, tito." Seryoso din na sagot ko dito. Nakipag sukatan ng tingin dito."Pero hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina at ayaw ko ng maulit pa ang nangyari kanina.""Hindi natin iyan maiiwasan tito, lalo na at naging kilala siya sa lipunan dahil sa mga nagdaan niyang kasikatan." Sagot ko dito. "At naging maluwag kayo sa kanya. Pasensya sa nasabi ko pero totoo naman iyon, tito. Kung hindi niyo siya hinayaang gawin ang gusto niya ay hindi siya basta basta mapapahamak ng ganun lang.""Kasalanan ba ang palugudan ko ang nag iisang anak ko? Sabihin mo sa akin, kung iyon lang ba ang makaka pagpasaya sa kanya.""Pero mapapahamak siya, tito. Hindi ko kinuquestion ang pagpapalugod niyo sa lahat ng gusto niya. Pero alam niyo naman p
Read more