"Ako din, mi esposa. Hindi ko din kayang mawala sa atin si Sofia. At hindi ako titigil.. hindi kami titigil ni Kenneth na maghanap ng donor sa kanya. Mahaba pa ang pitong araw na sinabi sa atin ng doctor kaya magtiwala lamang tayo sa KANYA." sabi ko sa pilit pinapatatag ang sarili ko na huwag magpaapekto sa nakikita kong ayos niya ngayon dahil sa kalagayan ng anak namin."Aalis na muna ako, Dad, mom." napalingon kami kay Kenneth. "Ayaw kong magsayang ng oras ngayon. Kahit baliktarin ko pa ang mundo makahanap lamang ng donor para sa kanya ay gagawin ko."Pagtango ang naging sagot ko."Hijo. S-salamat, hijo."Maayos na nagpaalam ito sa amin. Dalawa na lang ulit kami ni Ellena ang naiwan. Ilang minuto din ang lumipas na wala halos kaming napag usapan ni Ellena."D-daddy."Mabilis ang naging pagtugon namin ng marinig namin ang boses niya. Halos hindi na din niya maimulat ang mga mata niya. Hindi na din maikilos ang ulo para lingunin kami pareho ng mommy niya."D-daddy." kinakapos na hinin
Read more