"Nag away na naman ba kayo ng kapatid mo, hijo?" Tanong ni Tita Ellena na nagulat pa dahil hindi pinansin ni Sofia ng makapasok sa loob ng bahay."Sort of, tita. Napilitang umuwi at iniwan ang mga barkada.""Hayst. Batang yon, oo. Mahabang pang unawa na lamang sa kapatid mo. hijo. Ako na ang humihingi ng pasensya sayo sa palaging kagaspangan ng ugali niya sayo.""Alam ko po iyon, tita. Sanay na ako sa ugali niya kaya wala kayong dapat ipag alala.""Salamat, hijo."Tumango ako at bahagyang ngumiti."Sige po, tita. Aakyat na po muna ako ng silid ko."Nagpakawala ako ng buntong hininga ng malagpasan ko si Tita Ellena. Tama namang pag akyat ko ng hadgan ng makasalubong ko si tito Ace."Magandang gabi po.""How's Sofia?""Ganun parin sa dati, tito.""Okay." Ilang sigundo din na napatitig ito sa akin bago ako nilagpasan.Nagpatuloy na din ako sa pag akyat at nagtungo ng silid ko.Hindi ko naman nakitaan ng pagkadismaya si Tito Ace. Sinabihan kasi niya ako na bantayan ko muna ito habang wala
Read more