Sa kaliwang pasilyo sila dumaan, papunta sa mga silid. Akala niya, dadalhin siya ni Aeros sa isa sa mga silid-tulugan ng casa, ngunit kaysa na dumiretso sa mga nag-aabang na pinto sa kanilang kanan, inakay siya nito papunta sa hagdanang kahoy— kaharap ng mga pinto ng silid-tulugan— at bumaba roon. Wala sa sarili siyang napalingon sa dalawang pinto ng magkatabing silid. Nang makababa nang tuluyan sa hagdan, ibinalik niya ang mga mata sa harap para makita ang kanilang dinadaanan. Unti-unting kumunot ang kaniyang noo dahil sa pinagsamang pagtataka at pagkamangha. Tanaw niya mula rito ang malawak na hardin na kanina ay natanaw niya rin bago sila umakyat sa casa, mas makikita mula rito ang mapupulang bulaklak kagaya ng hibiscus, bougainvillea, anthurium, at mga rosas. Katabi ng mga bulaklak na ‘yon ay mga bonsai na nakapatong sa mga bilog na lalagyang pinasadya para sa mga bonsai. Samu’t saring mga bulaklak ang nagkalat sa dulo ng mga bonsai, may kulay dilaw, kahel, at mayroong puti
Magbasa pa