“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang banggitin ang pangalan na ’yon.“Kung walang magsasabi sa kaniya, hindi niya malalaman na nakauwi na si Sam. And I warn you, all of you, don’t you dare tell her…”Mahinang tawa ang sumunod.“Kahit sabihin namin, hindi naman kami maririnig ni Rory. She’s deaf, right?” Mapanuksong saad ng boses ng babae.Mas lalo lamang na nag-ugat ang mga paa ni Rory sa kaniyang kinatatayuan. Isang taon na siyang hindi makarinig dahil sa nangyaring aksidente noon. Alam niyang pinag-uusapan at kinukutya siya ng ilan, pero hindi niya naisip na kahit sa harap ng kaniyang boyfriend— fiancé— na si Dale ay nagagawa siyang pagtawanan ng mga kasama nito.Lalo lamang siyang nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng private ro
Last Updated : 2026-06-05 Read more