Ganunpaman, kahit na may lumukob na lungkot sa kaniyang puso, ngumiti pa rin siya. “I… I haven’t meet your Mom. Ang sabi ni Señora— I… I mean,” natawa siya nang mapansin na mali na naman ang tawag niya sa matanda. She felt guilty. Sa isip niya kasi, palaging Señora ang tawag niya rito, kaya awtomatikong Señora rin ang nababanggit niya kapag bumubuka ang kaniyang bibig. Hindi na dapat Señora ang tawag niya rito, dapat ay Lola! “Ang sabi ni Lola, uuwi na raw ang mga magulang mo. Nasaan ba sila?” Patuloy niya. Mukha namang hindi big deal kay Aeros iyong pagtawag niya ng Señora kaya lumuwag agad ang kaniyang paghinga “They are in Germany.” Matipid nitong sagot. Germany? Tumitig siya sa lalaki. Akala niya’y hindi na nito dadagdagan ang sinabi, ngunit nang makita nitong nakatitig siya ay muling bumuka ang bibig para magbigay ng ilang detalye. “Ilang buwan na silang naroon dahil kailangan ng COO para sa malaking produksyon ng mga armas.” Unti-unting kumunot ang kaniyang
Magbasa pa