Ngunit kahit na nag-aalangan at natatakot na baka hindi sila pwede sa casitang ito, sumunod pa rin siya kay Althea. Mabagal ang kaniyang hakbang, inililibot ang tingin, at namamangha ng husto. Sa labas ay parang maliit lamang ang casita, ngunit sa loob ay may sapat na espasyo pala ito. Mayroong sala, kama at may banyo pa. Dumiretso si Althea sa tukador kung nasaan ang mga damit ni Heaven. Samantalang siya’y napatigil sa may tapat ng sofa. Iniangat niya ang tingin sa mga picture frame na nakasabit sa may dingding. Hindi niya namamalayan na dinadala na siya ng kaniyang mga paa palapit sa mga larawang nakasabit. Marami ang picture frames, iba-iba rin ang laki at hugis. Parang mosaic na inilagay ang mga picture frame doon para gawing palamuti sa buong dingding. Mga larawan iyon ni Heaven. May solo, may picture na kasama si Sky, si Third, ang mga magulang, at ang ilan ay mga pinsan. May ilang picture na galing sa travel nito abroad, ang isa pa nga'y kuha nang magtravael ito sa
Read more