SERENA'S POVMakalipas ang dalawang araw ay dumating na ang araw ng kasal.Nasa isang studio ako ngayon para sa paghahanda sa kasal. Narito ang wedding coordinator, mga fashion designer, hairstylist, at makeup artists na abalang naglalakad sa iba't ibang direksyon. May mga gown na nakasabit sa matataas na racks, mga ilaw na nakapalibot sa malalaking salamin, at mga mesa na puno ng makeup brushes, lipstick, pabango, at iba't ibang alahas. Tahimik na tumutugtog ang isang instrumental na musika sa buong silid, ngunit natatabunan iyon ng mahihinang usapan at tunog ng mga takong na tumatama sa makintab na sahig.Habang sina Mama, Caleb, Chloe, Sebastian, at ang lolo't lola niya ay nasa kabilang kwarto.Isang pagpapanggap lang ang lahat. Pero ang puso ko ay kabado. Hindi ko maipaliwanag ang halong kaba at takot."Para sa mga anak ko at kay Mama at Papa," bulong ko sa sarili habang pinapatahan ang sarili ko.Tumingin ako sa orasan sa dingding. Dalawang minuto na lang ay magsisimula na ang ka
続きを読む