Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang nagdala sa akin dito—sa pinakapinapangarap at kinatatakutang lugar na pag-aari ni Aurelios Trevon Del Fuego. Ang Morcan’s, isang sikretong bar para lang sa mayayaman at makapangyarihan, at ngayon, narito ako, nakasuot ng pulang bestida, nanginginig ang mga kamay habang hinahagod ang cellphone sa loob ng maliit na clutch.Hindi naman ako talaga para dito. Pero pagkatapos ng taon ng paghabol, ng mga dasal at martir na pag-ibig, kailangan ko nang subukan. Kung hindi ngayon, kailan pa? At kung hindi ko gagawin, baka tuluyan na akong mabura sa mundo niya.Pagbukas ng pintuan, sinalubong agad ako ng malamig na hangin at ng tunog ng mamahaling alak na binubuhos sa baso. Nagniningning ang mga ilaw—ginto at pula, parang babala at pang-akit. Lahat ng naroon ay tila may sariling kwento ng tagumpay, kapangyarihan, o kasalanan.Napansin ko agad siya.Si Aurelios. Nakaupo sa pinaka-gitna ng bar, parang hari sa sariling teritoryo. Itim na polo, masyadong fi
Terakhir Diperbarui : 2026-06-08 Baca selengkapnya