"Zach, tama na! Why are you acting like you're crazy?" sigaw ni Cresia mula sa likuran.Ngunit ni hindi man lang natinag si Zach. Mahigpit na hinawakan ni Brayden ang braso ni Cresia nang tangkain nitong lumapit sa kanila."Hayaan mo sila. Problema nila iyan. Hindi tayo dapat manghimasok," mariing sabi ni Brayden."Hindi, kailangan kong makialam! Tignan mo naman ang ginagawa ni Zach, hinihila niya si Hannah na parang pagmamay-ari niya! At bakit ba siya ganyan umasta? Wala naman siyang karapatan kay Hannah!" galit na balik ni Cresia."Cresia, kumalma ka muna, okay? Alam kong nag-aalala ka para kay Hannah. Pero problema nila ito. Hindi dapat tayo makisali.""No, I have to," giit ni Cresia habang pilit na lumalapit, ngunit mas hinigpitan ni Brayden ang pagkakahawak dito.Mahigpit ring hawak ni Zach ang pulsuhan ni Hannah."You know, Hannah, I don’t want to hurt you. Get in the car before you piss me off," mababang sabi ni Zach, ngunit puno ng babala ang boses nito.Tumingin si Hannah sa
Baca selengkapnya