"Hindi pa rin ako makapaniwala na inimbitahan niya talaga ako sa engagement nila," mahinang sambit ni Hannah.Halatang pilit niyang pinananatiling kalmado ang sarili, ngunit ang bahagyang panginginig ng kanyang boses ang naglantad sa totoong nararamdaman niya.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang tahimik na binabaybay ang kalsada pauwi. Ang mga ilaw ng siyudad ay dumaraan sa bintana ng sasakyan, ngunit wala siyang ibang makita kundi ang mga alaalang pilit niyang ibinabaon sa limot. Mula sa speaker ng kotse ay maririnig ang nag-aalalang tinig ni Cresia."Ano? Ibig mong sabihin, pupunta ka talaga?"Napabuntong-hininga si Hannah bago bahagyang ngumiti, ngunit wala ni katiting na saya sa kanyang mga labi."Sa tingin ko, kailangan kong pumunta,” Hannah replied calmly, though everything inside her felt like a storm. “Ano pa ba ang mawawala sa akin? Gusto niyang dumalo ako, kaya pagbibigyan ko siya.""No, Hannah. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo nang ganito. You’re ju
Ler mais