“How is she?” tanong ni Zach. “Mas mabuti sigurong siya mismo ang tanungin mo,” sagot ni Mera. “Mukhang may atraso ka sa kanya.” “Wala naman akong ginawang masama,” depensa niya. Ngumisi si Mera at bahagyang ikiniling ang ulo. “Talaga? Kung gano'n, bakit tahimik siya at parang masama ang loob?” Sandaling natahimik si Zach bago sumagot. “We were fine, till we come across Camilla, that's when she started being behaving like that." “Ang ibig mong sabihin, si Camilla, kapatid ni Cresia?” tanong ni Mera. Tumango si Zach “That’s your ex!” gulat na sabi ni Mera. “What was she doing here? “Dito siya nakatira sa Singapore, at nagkataon lamang na nagkita kami sa airport,” sagot niya. “Baka iyon ang dahilan kung bakit nagtatampo ang girlfriend mo,” panunukso ni Mera. “Hindi ko siya girlfriend,” mariing sagot ni Zach. “Come on, Zach,” sabi ni Mera habang yumuyuko nang kaunti. “You can say that, but it’s written all over your face. You two have feelings for each other, right?” Umig
Read more