Bawat segundo na lumilipas sa loob ng elevator ay tila ba nagiging isang mahabang taon para sa kaniya, at ang kaniyang puso ay patuloy na pumipintig sa tindi ng kaba at nagbabadyang paghaharap. Ang bakal na pinto ng elevator ay bumukas sa ground floor na naglalabas ng isang matikas na bilyonaryo na ang bawat hakbang ay may dalang panganib at seryosong determinasyon.Bumalik ang kaniyang matalas isip. Imbes na sumugod na parang walang direksyon, naglakad si Wesley patungo sa kaniyang pribadong opisina sa likod ng grand lobby. Doon, binuo niya ang kaniyang dambuhalang plano. Sisiguraduhin niyang sa plano niyang ito ,hinding hindi na sila makakalayo pa sa kaniya."David," ang tawag ni Wesley sa kaniyang head of security sa pamamagitan ng kaniyang hawak na communication device, ang kaniyang boses ay naging malamig, kalkulado, at puno ng tindi ng kapangyarihan. "Lock down the secondary perimeter. Huwag niyo silang haharangin sa main gate, ngunit siguraduhin mong walang anomang labasan na m
최신 업데이트 : 2026-06-15 더 보기