Ang buong bahay ni Chrisha ay binalot ng katahimikan ng gabi, ang tanging tunog lamang ay ang marahang lagaslas ng hangin mula sa mga puno sa labas. Habang nilalasap ang kapayapaan, alam niyang ang kaniyang culinary empire ay matatag na, isang patunay na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.Habang ang gabi ay dahan-dahang nagpapatuloy sa tahimik na probinsya ng Zambales, sa kabilang dako ng mundo, ang takbo ng buhay ay gumagalaw sa isang kakaibang bilis, tindi, at marangyang ingay. Sa kabilang panig ng bansa, sa gitna ng naglalakihang mga skyscraper ng mga pangunahing lungsod sa mundo, ang kumpanya naman ni Wesley ay namamayagpag at mas lalong lumago sa mga nakaraang taon.Mendez Global Holdings.Ang pangalang ito ay tuluyan nang naging kasingkahulugan ng kapangyarihan, yaman, at walang katapat na dominasyon sa pandaigdigang merkado. Sa ilalim ng malamig, matatalas, at walang katulad na pamumuno ni Wesley Mendez, ang takbo ng kaniyang imperyo ay umabot sa rurok na hindi pa nak
Last Updated : 2026-06-14 Read more