Ang sikat ng araw ay pumasok sa malalaking glass window ng grand restaurant ng resort, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang buffet area na napupuno na ng mga VIP guests. Mugto ang mga mata at halata ang tindi ng puyat sa mukha ni Chrisha, subalit pilit niyang inayusan ang kaniyang sarili at isinuot ang kaniyang kaswal na damit upang hindi mag-alala ang kaniyang anak. Kasama niya si Ate Lita na bitbit ang maliit na backpack ni Tyra, habang ang munting bata naman ay masiglang naglalakad sa kanilang unahan, tila ba walang anomang bakas ng tindi ng tensyon na naganap kagabi."Tyra, anak, huwag kang masyadong malayo sa amin ni Yaya, ha?" ang may tindi ng pag-aalalang paalala ni Chrisha habang naghahanap sila ng pwesto na malayo sa gitna ng karamihan."Opo, Mama! Kukuha lang po ako ng chocolate pancakes!" ang masiglang sagot ng bata, ang kaniyang nagniningning na mga gray na mata ay malawak na nakatitig sa mahabang linya ng Habang nag-aantay sa kinalalagyan ng pancake station, may t
Last Updated : 2026-06-15 Read more