Nagulat si Hector at agad na napadyak sa preno.“Aww,” sambit ni Eunice habang hawak ang ulo niya na muntik nang tumama sa dashboard dahil sa biglaang pagpreno. Mabuti na lang at hindi naman mabilis ang takbo ng kotse nila at wala ring ibang sasakyan sa likuran.Kinabahan si Hector at agad na hinawakan ang noo ni Eunice. “Sorry, Love. Nagulat lang ako kasi bigla kang nagsabing huminto.”“Oo, okay lang. Ngayon ko lang kasi nakita, at mukhang masarap.”“Alin?”“’Yon,” sagot ni Eunice habang itinuturo ang isang pickup truck na may tarpaulin na bubong. Sa likod nito ay may tinitindang pritong kamoteng kahoy.“Kamoteng kahoy?” siguro ni Hector.Kanina pa siya nang kanina nag-aalok ng iba’t ibang pagkain kay Eunice, pero puro iling lang ang sagot nito. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ngayon ay sinisiguro niyang iyon talaga ang gusto ni Eunice.“Oo, gusto ko ’yon.”“Sige. Dito ka lang sa kotse, ha? Ako na ang bibili.”“Original lang, ha. Huwag ’yung may kung anu-anong flavor.”“Yes, M
Read more