CHAPTER 105“Talaga? Pwede ka naming gawing baby, Denver?” “Opo, Tita. Ako na po muna ang baby niyo habang hindi pa po bumabalik si Cael,” Lumulutang sa tuwa ang puso ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit. Sa tuwing kinakausap ko si Cael, parang hindi siya apat na taon. Oo nga pala, malapit na rin ang birthday niya. Kaso sa ibang petsa naman nila ginagawa ang selebrasyon para sa birthday niya. “Salamat, Denver. Simula ngayon, ikaw na muna ang anak namin ni Tito Julian mo. Ikaw na muna ang baby namin,”Pinugpog ko ng halik ang ulo niya sa sobrang saya ko. Simula pa lang ‘to. Akala niya magpapanggap lang siya, ang hindi niya alam, totoo na ‘to para sa amin. Kung alam mo lang na ikaw ang tunay naming anak, Cael. Kung pwede ko lang sabihin sa ‘yo. Dumating kami sa mall. Habang naglalakad kami ay magkahawak kamay kami. Nasa gitna namin si Cael. Una naming pinuntahan ang bookstore na gustong puntahan ni Cael. “Hala, ang daming mga libro, Tita!” Binit
Read more