Napakamot si Ramil sa ulo, tila may bigat sa isip na hindi niya madaling maipaliwanag.Bilang isang biyudo, sanay siyang magtimpi, sanay siyang kumapit sa dignidad kahit sa gitna ng kahirapan. Hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na ang pagiging “kasambahay” niya ay aabot sa ganitong klaseng usapan.Dumating siya sa bahay nina Vina at Frank dahil sa utang na loob.Utang na loob na mula sa isang gabing muntik nang maging trahedya—ang gabing iniligtas niya si Frank mula sa mga armadong salarin.Kaya ngayon, kahit gaano pa ito kabigat sa kanyang dibdib, nananatili siyang nakatayo sa harap ng mga amo, magalang, maingat, at may halong kaba.“Opo, alam ko naman ang lugar ko, Sir. Isa lang akong kasambahay sa bahay na ito. Ang trabaho ko ay maglinis at magbantay ng bahay ninyo. Kaya parang ang hirap paniwalaan na pinapagawa ninyo sa akin ang bagay na iyon kay Ma’am Vina. Hindi kaya siya mandiri sa akin? Sanay siyang kasama si Sir Frank na guwapo at makinis, tapos bigla akong papa
Last Updated : 2026-06-12 Read more