Isang araw matapos dumating sina Jessa at Marco, tuluyan nang nagbago ang dating tahimik na bahay ni Scarlett. Hindi na ito kasing lungkot ng dati. May mga batang tumatakbo sa hardin, may mga tawanan sa sala, at may mga munting boses na palaging nagtatanong kung nasaan ang kanilang ama. At higit sa lahat, mas madalas nang ngumiti si Scarlett.Kapag abala si Joshua sa trabaho, siya naman ang nakikipaglaro kina Jessa at Marco. Minsan ay tinuturuan niya ang mga ito, minsan naman ay sabay silang nanonood ng palabas sa telebisyon.Para kay Scarlett, hindi na lamang sila mga anak ng kanyang minamahal na lalaki. Unti-unti na silang naging bahagi ng kanyang puso.Samantala, si Joshua ay patuloy na ginagampanan ang papel ng isang simpleng kasambahay. Naglilinis siya ng bahay, nag-aayos ng mga sirang gamit, nagdidilig ng halaman at kung minsan ay umaakyat pa sa bubong para ayusin ang mga tulo. Kung tutuusin, walang makapaniwalang ang lalaking iyon ay si Rodolfo Orlando—isang taong kinatatakutan
Read more