Nang tuluyan nang nakalabas sina Scarlett, Joshua Marco at Jessa mula sa mall na halos limang oras din silang namasyal. Mula sa pagkain, panonood ng sine, pag-iikot sa mga tindahan hanggang sa pamimili ng ilang bagay para sa mga bata, talagang nasulit ni Scarlett ang araw na iyon. Si Jessa at Marco ay parehong pagod ngunit halatang masayang-masaya. “Ma'am Scarlett, ang saya po ngayon!” masayang sabi ni Marco habang hawak ang kamay ni Scarlett. “Oo nga po, Ma'am Scarlett. Sana makasama ulit namin kayo dito,” dagdag ni Jessa. “Puwede naman. Hindi naman ito ang huli nating pamamasyal.” Napangiti si Scarlett habang tinitingnan ang dalawang bata. Samantala, ilang hakbang lamang ang layo sa kanila ay tahimik na naglalakad si Joshua. Nakasabit sa kanyang kamay ang ilang paper bag ng mga pinamili nila. . “Joshua, ibigay mo na lang sa akin ang iba.” “Hindi na, kaya ko naman.” “Sigurado ka? Kanina ka pa nagdadala niyan.” “Okay lang.” Napatingin si Scarlett sa kanya. “Pago
Read more