Matapos ang ilang sandali ng masahe, bahagyang napangiti si Scarlett nang maramdaman niyang tuluyan nang nawala ang pagod sa kanyang balikat.“Joshua…”“Opo?”“Ang sarap talaga ng masahe mo.”Napangiti ang lalaki.“Salamat po. At least, kahit papaano, may silbi ang mga kamay ko.”“Marami kang silbi,” pabirong sagot ni Scarlett.Napatingin si Joshua sa kanya ngunit agad ding umiwas.“Ma'am Scarlett, baka lumampas na naman tayo sa usapan natin.”“Anong ibig mong sabihin?”“Baka makalimutan nating may mga hangganan din.”Napatahimik si Scarlett. Naalala niya ang bilin ni Manang Flor tungkol sa kanilang sitwasyon. Hindi pa man tuluyang natatapos ang annulment niya kay Rafael, kaya hindi rin simple ang lahat ng nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit sa halip na makipagtalo, ngumiti lamang siya.“Hindi naman kita pinipilit.”“Alam ko.”“Pero gusto kitang makasama.”Napabuntong-hininga si Joshua.“Yan ang mahirap sa iyo, Ma'am Scarlett.”“Bakit?”“Kapag nagsasalita ka nang ganyan, nahih
Read more