Lalong kinilabutan si Edi habang nakasiksik sa loob ng aparador. Wala man siyang makita sa dilim, sapat na ang mahihinang ungol at mga bulungan nina Scarlett at Joshua para malaman niyang wala pa silang balak tumigil."Diyos ko... parang lalo pang umiinit ang loob ng aparador na 'to!" reklamo niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang isip.Samantala, sa sala ng mansyon, nagsimula nang magtaka si Marisol. Kanina pa umalis si Edi para magbanyo, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik."Nasaan na kaya si Edi? Ang tagal naman niyang umihi," bulong niya habang napapatingin sa direksiyon ng banyo.Ngunit imbes na ang asawa ang dumating, si Manang Flor ang lumapit dala ang isang garapon ng caramel popcorn at maiinit na inumin."Ma'am Marisol, tikman n'yo po ito. Kakagawa ko lang ng caramel popcorn.""Salamat, Manang."Ngumiti si Marisol, saka muling nagtanong."Manang nakita mo ba si Edi? Kanina pa siya pumunta sa banyo."Umiling ang matanda."Wala po. Pero nakita kong pumasok s
Magbasa pa