Matapos bahagyang humupa ang pagduduwal ni Joshua, nagpasya na silang umuwi. Pagdating nila sa sasakyan, nauna nang naghihintay sina Marisol at Edi. Nang makita ni Edi ang mukha ni Joshua, agad siyang napakunot-noo.Namumutla pa rin ito at halatang nanghihina."Boss... nagsuka na naman kayo?" tanong niya, hindi maitago ang pag-aalala.Mahinang tumango si Joshua. Wala na siyang lakas para magsalita. Napansin din iyon ni Marisol.Kanina lamang ay matatag pa ang tindig nito, pero ngayon ay tila lupaypay na parang basang tela."Naku naman, Joshua," sabi niya. "Dahil lang sa amoy ng pagkain, ganyan ka na? Baka naman nausog ka lang o inatake ng hangin."Napailing si Edi."Hindi lang simpleng hilo 'yan, Love."Napatingin si Marisol."Kung hindi, ano?"Mahina ang boses ni Edi habang sumulyap kay Scarlett."Parang... nadadamay siya sa pagbubuntis ni Ma'am Scarlett.""Iyon bang parang nararamdaman din niya ang sintomas."Biglang napangiti si Marisol."Tama nga!""Naalala ko noong una pa lang si
Read more