LOGIN"BLEGH!"Hearing this, it caught everyone's attention which made everyone in the dining hall pause from eating.Tinakpan ni Orlinda ang kanyang ilong para hindi na maamoy ang pagkain pati na ang kanyang bibig dahil baka tuluyan siyang masuka.Maingat niyang inilapag ang chopstick na hawak sa pinggan.Hinimas-himas niya ang kanyang dibdib.Nang bahagyang umayos na ang pakiramdam niya ay sinubukan niya ulit na kumain pero muli na naman siyang nakaramdam ng pagduduwal sa sandaling maamoy ang amoy ng pagkain.Mabilis niyang inilayo ito at ibinaba sa kanyang pinggan.Muli na namang sumama ang sikmura ni Orlinda. Sinubukan niyang itago ang discomfort na nararamdaman niya pero wala siyang kamalay-malay na kanina pa siya pinapanood ng isa sa mga hipag niya.Dahan-dahang nginuya ni Sheila ang nginunguyang pagkain bago ito lunukin. Pagkatapos ay tsaka siya nagsalita.''Linda, pagkatapos natin kumain huwag ka munang aalis,'' walang kagatul-gatol na sabi niya.Nag-angat ng tingin si Orlinda at ti
Isa-isang nagsisiupuan sa kanya-kanyang bakanteng upuan ang bawat miyembro ng pamilyang Tan. Kaya nagsimula na ang mga kasambahay na ilatag sa malapad na mesa ang mga nagsasarapang mga pagkain na pawang mga traditional chinese cuisine na paboritong kainin ng matriarch ng pamilya.Natapos nang ihain ng mga kasambahay ang mga pagkain pero wala ni isa sa mga nakaupo ang nagtangkang kumain ng walang pahintulot lalo na't may dalawang upuan na bakante. Isa rito ay ang upuan para kay Evelyn.Ilang saglit pa'y dumating na si Evelyn sa dining hall, sa likod nito ay si Orlinda na tahimik na nakasunod. Nakahandang umalalay anumang oras.Hinila ni Orlinda ang upuan para sa kanyang byenang babae tsaka ito maingat na naupo.In-adjust ni Orlinda ang upuan ni Evelyn bago siya naupo sa sariling upuan.Umikot ang paningin ni Evelyn sa mga taong naroon, tsaka siya nagsalita at sinabing, "magandang umaga sa inyong lahat. Wǒmen chīfàn ba." ["Kain na tayo."]Nang marinig ang signal na pwede na silan
Maagang gumising si Orlinda.Tinulungan muna niya ang mga kasambahay sa pagluluto at paghahanda ng agahan ng buong pamilya bago dali-daling nagpunta sa kwarto ng biyenan niyang si Evelyn na abala sa pag-aayos ng sarili.Pinunas niya ang kanyang basang kamay sa suot niyang damit bago kumatok ng ilang beses at buksan ang pintuan.Pagkabukas, nakita niya ang biyenang babae na nagbubutones ng damit."Mom," malumanay niyang pagtawag sa babaeng biyenan, maingat na isinara ang pinto.Matapos magdamit, lumabas mula sa walk-in closet si Evelyn at naupo sa tapat ng antigong dressing table.Agad na kinuha ni Orlinda mula sa drawer ng dressing table ang hairbrush sa sandaling makaupo ang biyenan.Maingat niyang sinuklayan si Evelyn.Sa kabila ng katandaan, nananatiling malago at alagang-alaga ang buhok ni Evelyn. Hindi kagaya ng ibang mga kaedaran nito na may mga uban o halos namumuti na ang mga buhok.Habang tahimik niyang sinusuklayan ang biyenan, mariing nakatitig sa malaking salamin
Sa kabilang silid-tulugan—ang silid ng mag-asawang Manuel at Grace—tahimik na pinakinggan ni Grace ang usapan ng mag-asawang Angelo at Orlinda.Walang kamalay-malay si Angelo na aksidente niyang nasagot ang tawag ni Grace kaya narinig nito lahat ng mga sinabi nila.Sa kabilang banda, hindi naman sinasadya ni Grace na makinig.Tumawag siya kay Angelo dahil may nakalimutan siyang sabihin pero ang hindi niya inaasahan na kasama na pala ni Angelo si Orlinda at nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa.Matapos mapakinggan ang mga sinabi ni Angelo, nagdesisyon na siyang ibaba ang tawag.Hindi na siya interesado pang malaman ang mga sunod na sasabihin ng dalawa sa isa't isa o ang reaksyon ngayon ng hipag niya."Humahagulgol na siguro 'yon ngayon dahil sa mga marahas na sinabi ni Angelo. Lalo na naman papanget si Linda," wika niya, mahinang natawa nang maisip ang mukha ng hipag na umiiyak, namumugto ang mata at tumutulo ang sipon.Pero saglit lamang ang tawang iyon, dahil sa mg
Habang masayang nag-uusap sina Angelo at Grace sa cellphone, walang kamalay-malay si Angelo na nasa likuran na pala niya ang asawa.Sa sandaling pumasok ng silid-tulugan, narinig at nakita lahat ni Orlinda ang mga sinabi at reaksyon ng asawa.Kaysa tawagin ang pangalan ni Angelo, pinili ni Orlinda na manahimik at makinig muna.Nagkakatawanan ang dalawa. Halatang kanina pa magkausap."Hindi mo kailangan mag-alala sa 'kin dahil ikaw dapat ang mag-ingat. Mag-aalala ako ng husto sa 'yo kapag may nangyari sa 'yo," malambing na sabi ni Angelo, may matamis na ngiti sa labi.Napahagikgik si Grace na akala mo'y kinikiliti ang singit. "Oo na, Gelo," aniya, kinikilig. "Sige na, baka pumasok bigla sa kwarto ang Kuya mo. Baka mahuli pa tayo."Gusto pa sanang makipag-usap ng mas matagal ni Angelo sa hipag pero dahil ramdam niya ang kaba sa tono ni Grace ay hindi na lamang niya sinubukan na humiling ng ilang minuto pa.Napabuntong-hininga na lamang siya."O sige, sige. Matulog ka na. Good n
Sa loob ng silid-tulugan ng mag-asawang Sheila at Christian, kanina pa inis na inis sa pagkainip si Sheila.Hindi pa rin siya natutulog dahil hinihintay niyang pumasok sa silid nila si Christian.Mabilis siyang naligo, nagpahid ng mabangong lotion. Nagsuot pa siya ng mahalay na kasuotan para lamang maakit niya ang mister. Inaasam na baka madiligan na siya ngayong gabi.Inip na inip na talaga siya.Binalak ni Sheila na puntahan na si Christian sa study room nito. Hinala niya na naroon ang asawa kaya minabuti niyang kumilos na.“Kung ayaw lumapit ng tandang, eh 'di, ang inahing manok na ang lalapit.”Bumangon sa kama si Sheila. Balak na puntahan ang asawa nang biglang bumukas ang pinto ng silid.Sandaling natigilan si Sheila bago nagmadaling lumapit kay Christian para yakapin ito.Subalit, natigilan siyang muli nang tingnan siya ng lalaki ng tumitig ito ng matalim at malamig ang mga mata.Napalunok sa takot si Sheila. Ilang segundo siyang natahimik, pinakakalma ang sarili tsak
‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christia
Matapos ang matinding tensyon kanina sa hapag-kainan, si Orlinda ang naglilinis ng mga pinagkainan pagkatapos.Kahit pa tapos na ang nakaka-pressure na eksena kanina ay ramdam pa din niya ang bigat ng mga pangyayari.Habang kinukuskos ang espongha na hawak ay may pagkakataon na ito’y nadidiinan niy
‘’Humanap ka ng ibang lalaking bubuntis sa ‘yo, Linda.’’Ang mga salitang sinabi ng mister niya ay parang isang malaking maso na pumukpok ng malakas direkta sa puso ni Orlinda nang umaga na ‘yon.Si Orlinda, na isang hamak na virgin, ay nasaktan at nagtaka sa sinabi ng asawa.‘’Se-seryoso ka ba sa
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib







