The Price Of LoveAlessandra's POVHindi ako nakatulog buong gabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko sa hallway.Ang boses ni Drake.Ang boses ni tito Richard.At ang mga salitang hindi ko sana dapat narinig."Maybe I also inherited its sins."Napahawak ako sa tiyan ko.Bahagya akong napapikit."Anak..."Mahina kong bulong."Anong gagawin natin?"Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi.Siguro dahil sa unang pagkakataon...Hindi ko na alam kung saan ako dapat kumapit.Mahal ko si Drake.Pero ang pamilyang kinabibilangan niya...Maaaring sila ang dahilan kung bakit nawala sa amin ang lahat noon.Kinabukasan, maaga akong nagising.Tahimik ang buong penthouse.Pero alam kong gising na siya.At tama ako.Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Drake sa living room.Hindi siya natulog.Naka-upo siya sa sofa, nakayuko, at hawak ang isang folder.Pagkakita niya sa akin...Agad siyang tumayo."Alessandra."Hindi ako sumagot.Dumaan lang ako sa kanya.Pero bago ako makalayo...
Baca selengkapnya