The Truth BeginsDrake's POVBumalik ako sa library.Hindi ko alam kung bakit, pero may pakiramdam akong may naiwan akong mahalagang bagay doon.Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang ugong ng air-conditioning ang maririnig habang dahan-dahan akong lumapit sa mesa kung saan ko iniwan ang mga lumang dokumento.Nandoon pa rin ang kahon.Nandoon pa rin ang mga kontrata.At nandoon pa rin ang makapal na folder na may label na:KINGSTON HOLDINGS — BANK TRANSACTIONSHuminga ako nang malalim bago ko iyon muling binuksan.Isa-isa kong tiningnan ang mga lumang bank records.Mga deposits.Withdrawals.Transfers.Mga account number na matagal nang isinara.Hanggang sa nakita ko muli ang isang dokumentong kanina ko pa hindi maalis sa isip ko.CONFIDENTIAL — UNAUTHORIZED TRANSACTIONDahan-dahan ko iyong hinila mula sa folder.At nang makita ko ang petsa...Nanigas ako.Kilala ko ang petsang iyon.Hindi dahil pamilyar lang.Kundi dahil iyon ang parehong panahon kung kailan nagsimulang bumagsak a
Read more