THE COURT NOTICE Tahimik ang umaga matapos ang nangyari noong nakaraang araw. Walang nagsalita tungkol sa sampal. Walang nagbanggit tungkol sa mga luha. Walang humingi ng tawad. Pero pareho nilang alam na hindi na maibabalik ang mga salitang binitawan nila. Nasa loob ng bahay si Alessandra habang pinaghahandaan ng almusal si Isabella. Pilit niyang ipinapakita sa anak na normal ang lahat. “Mommy, pancakes!” Napangiti siya. “Yes, baby.” “May strawberry?” “Of course.” Masiglang tumalon si Isabella sa maliit na upuan. Sa kabilang bahagi ng mesa, tahimik na nakaupo si Drake. Hindi siya umalis kagabi. Hindi rin siya pumasok sa bahay. Nang gabing iyon, natulog siya sa sasakyan sa labas. At ngayong umaga, bumalik siya. Hindi dahil gusto niyang mang-inis. Kundi dahil ayaw niyang mawala kahit isang araw sa buhay ng anak niya. Gayunpaman, ang presensya niya ay sapat para maging tense ang buong bahay. Hindi siya kinakausap ni Alessandra. At hindi rin si
Read more